Balangiga Massacre

Philippines in 100 Years

isang Bandila

Wednesday, October 8, 2008

Wednesday, September 24, 2008

{ iSanG saLoObin nG isang mamaMayang Pilipino ukoL sa Balangiga Massacre }

Ballad of Balangiga
Radioactive Sago Project
Lourd De Veyra / Francis De Veyra
Noong September 27, 1901
Dahil sa treaty of paris
Kung saan
binenta tayo sa mga kano,
At mula noon ay naging kakambal
Na natin ang malas dahil palagi na lang
Tayong damay sa mga away ni Amboy,
Lumusob ang mga anak ni Ankol Sam
At nanunog, nang-rape, namaril,
Nang-torture, nagnakaw sa buong bayan.
Lalong lalo na sa isla ng Samar,
Dumating ang mga ‘kano sa bayan ng Balangiga.
So isang gabi, ang mga magigiting na mamayan
Ng Balangiga ay nagplano:Ihawin na natin ang
Amerikano!Nagsuot sila ng mga damit pambabae
Lumusob ng gabiAt pinagtataga ang mga humihilik na
Amerikanong sundalo
Ito na nga ang naging
Balangiga massacre—Pero massacre para kanino?
Massacre daw ayon sa kasaysayan ng Amerikano.
Paano magiging massacre eh nagtatanggol lang naman tayo?
Pag may pumasok bang magnanakaw
Sa bahay mo at pinatay mo ang magnanakaw
E kasalanan mo pa rin ba yun?
I mean, I hope you don’t mind, and won’t take offense,
But read my lips: we all did it in self-defense
Bumawi ang mga kano—Nag-utos si Gen. Jakob Smith na sunugin ang Samar
“I want you : I want you to kill and burn, the more
you killand burn, the better you will please me!” sabi niya.
And that meant anybody nine years or older,
Marunong magsalita, wasto ang katawan
Lahat kailangang madamay sa madugong katayan.
At iyan po ang ibig sabihin ng benevolent assimilation:
Pang-aabuso, pagnanakaw, assassination
Panloloko, pang-gagago, pang-iinsulto
Kung tratuhin tayo parang kutoAmerica—you’re no longer a country
But a registered trademarkLike the red, white, and blue packets
Just like a hotdog in the park
And after New York and World Trade Center
We say: “We are all Americans.
We are all Americans."
Ikaw na lang.
Wag nang maulit
Pero naulit ang
kasaysayang lagi na lang
Napipilipit.

Sunday, September 14, 2008

(Madarama sa tulang ito ang mapusok na diwa ng Ama ng Katipunan)


Aling pag-ibig pa ang hihigit kaya
sa pagkadalisay at magkadakila
Gaya ng pag-ibig sa sariling lupa?
Aling pag-ibig pa? Wala na nga, wala.

Pagpupuring lubos ang palaging hangad
Sa bayan ng taong may dangal na ingat,
Umawit, tumula, kumata't at sumulat,
Kalakhan din niya'y isinisiwalat.

Walang mahalagang hindi inihandog
Ng may pusong mahal sa Bayang nagkupkop,
dugo, yaman, dunong, katiisa't pagod,
Buhay ma'y abuting magkalagut-lagot.

Bakit? Alin ito na sakdal ng laki,
Na hinahandugan ng busong pagkasi,
Na sa lalong mahal nakapangyayari,
At ginugulan ng buhay na iwi?

Ay! Ito'y ang iang bayang tinubuan:
Siya'y iona't tangi sa kinamulatan
Ng kawili-wiling liwanang ng araw
Na nagbigay-init sa buong katawan.

Kalakip din nito'y pag-ibig sa Bayan,
Ang lahat ng lalong sa gunita'y mahal,
Mula sa masaya'y gasong kasanggulan
Hanggang sa katawa'y mapasa-libingan.

Sa aba ng abang mawalay sa bayan!
Gunita ma'y laging sakbibi ng lumbay,
Walang alaala't inaasa-asam
Kundi ang makita'y lupang tinubuan.

Pati ng magdusa'y sampung kamatayan
Wari ay masarap kung dahil sa bayan
At lalong mahirap. Oh, himalang bagay!
Lalong pag-irog pa ang sa kanya'y alay.

Kung ang bayang ito'y masasa-panganib
At siya ay dapat na ipagtangkilik,
Ang anak, asawa, magulang, kapatid;
Isang tawag niya'y tatalidang pilit.

Hayo na nga, hayo, kayong nagabuhay
Sa pag-asang lubos ng kaginhawahan
At walang tinamo kundi kapaitan,
Hayo na't ibangon ang naabang bayan!

Kayong nalagasan ng bunga't bulaklak
Ng kaho'y ng buhay na nilanta't sukat,
Ng bala-balaki't makapal na hirap,
muling manariaw't sa baya'y lumiyag.

Ipahandug-handog ang busong pag-ibig
At hanggang may dugo'y ubusing itigis;
kung sa pagtatanggol, buhay ay mapatid,
Ito'y kapalaran at tunay na langit!

Andres Bonifacio (1863 - 1897) The father of the Philippine Revolution


Andres Bonifacio was born in Tondo, Manila in 1863, the son of Santiago Bonifacio a boatman who later became teniente mayor (what would now be called vice mayor). His mother, Catalina Bonifacio, died of tuberculosis in 1881, and his father died a year later.
His father's death forced Bonifacio to
leave school (his family earned enough money to send him to school), but by that time Bonifacio was educated enough to be literate in Spanish. To support his 3 brothers and two sisters, Bonifacio took the job of a bodegero (warehouse keeper).
In 1892, Andres joined
La Liga Filipina, an organization founded by Philippine national hero, Jose Rizal. The organization's objective was to convince Spain to grant full Spanish citizenship to Filipinos. When Rizal was arrested and exiled later in 1892, however, Bonifacio became convinced that independence was the only path for the Philippines.
To achieve this goal, Bonifacio founded the
KKK, or Kataastaasan Kagalang-galang na Katipunan nang mga Anak nang Bayan, now more commonly referred to as the Katipunan. The Katipunan's was a secret society who's objective was to begin an armed revolution against Spain.
In 1896, the Katipunan was discovered by a spanish friar. On August 23 of that year Bonifacio gathered the
Katipuneros to Pugadlawin, where they tore their cedulas and cried out "Long live the Philippines!" An event now called "The cry of Pugadlawin1." The Philippine Revolution began.
Bonifacio was not an effective general. The Spaniards regularly defeated the troops that Bonifacio led. On the other hand, one of his lieutenants,
Emilio Aguinaldo, was winning his side of the war, and was able to capture a few towns. The army led by Bonifacio called Magdiwang and the Magdalo group led by Aguinaldo became bitter rival factions. The disputes among the two factions led to the re-capturing of a few towns by the Spaniards.
In an effort to reunite the two groups, a convention was held at
Tejeros in 1897.
The
Tejeros convention ultimately resulted with Aguinaldo voted as president. Bonifacio, however, refused to recognize the results of the convention, and declared it void, by his power as the Supremo of the Katipunan. Bonifacio took the men who were still loyal to him to Indang, Cavite. Bonifacio was later captured there by Aguinaldo's troops. In a trial that is largely thought to be unfair, Bonifacio, along with his brother Procopio, were tried for treason, and were sentenced to death.
On May 10, 1897, Andres and Procopio Bonifacio were
shot to death, on the orders of Emilio Aguinaldo. Andres was only 34 years old.



source: http://everything2.com/title/Andres%2520Bonifacio


Andres Bonifacio bilang unang Pangulo

November 24th, 2007 in Bayani, Kasaysayan, Pelikula at Telebisyon Hanggang ngayon, hindi pa rin natatapos ang usapin tungkol sa unang pangulo ng Pilipinas. Itinuturo ng opisyal na kasaysayan–na bunga na kolonyal na edukasyon–na si Emilio Aguinaldo ang kauna-unahang pangulo. Ngunit may mga historyador, gaya nina Dr. Milagros Guerrero, na nagsasabing si Andres Bonifacio ang tunay na unang naluklok sa posisyong iyan na hanggang ngayon ay pinag-aagawan pa rin. Ang tungkol sa pagiging unang pangulo ni Bonifacio ay isa sa mga isyung tatalakayin sa susunod na labas ng I-Witness. Nasa ibaba ang article mula sa GMANews.tv:
Kilala mo ba si Andres Bonifacio? Dahil kakaunti lang ang mga sulat, dokumento at kahit litratong iniwan niya, misteryo para rin kung sino talaga ang Ama ng Rebolusyon. Sa kabila nito, isa ang tiyak: maaring wala na ngang bayani, maliban kay Rizal, ang makatutumbas sa lalim at tindi ng paggunita ng mga Pinoy kay Bonifacio. Para makasama sa kanyang paghahanap sa natatagong Bonifacio, sinamahan si Howie Severino ni Atty. Gary Bonifacio, apo ni Gat Andres sa kapatid niyang si Procopio at ang unang abogado sa pamilya.
Sa kanya, natuklasan ni Howie na ang pagpatay sa Supremo ng Katipunan ay nagkaroon ng mabigat na epekto sa pamilya na ramdam pa nila kahit ilang henerasyon na ang lumipas. Ilang Bonifacio na raw ang nagpapalit ng pangalan at marami ang ayaw pa ring lumantad ngayon. Habang binabagtas nila ang mundo ng kabataan ni Gat Andres, natuklasan ni Howie na ang kinilalang Bayani ng Masa ay marunong mag-Kastila at may mestizang ina, nagtrabaho para sa mga multinational companies, at hindi mahilig maglakad ng nakapaa tulad ng karaniwang imahe niya sa sining. Pero dumating ang pinakamalaking rebelasyon matapos mabasa ni Howie and ilang piling dokumento at makausap ang ilang nag-aral ng kasaysayan: Si Bonifacio nga ba – at hindi si Emilio Aguinaldo – ang unang pangulo ng Pilipinas? At totoo kayang ang kinikilalang unang halalan para sa pagka-Presidente ng ating bansa ay may bahid ng pandarayang hindi binabanggit sa mga libro ng kasaysayan? Ang tunay na buhay ni Gat Andres Bonifacio, ilalantad na ngayong Lunes, Nobyembre 26, sa I-Witness – ang 2007 PMPC Star Award winner para sa Best Documentary Program at Best Documentary Program Hosts. (
GMANews.tv)

Cinematography: Egay Navarro

Field director: JJ Villamarin

Field producer: Mavie Almeda

Executive producer: Ella Evangelista

source: http://edericeder.com/andres-bonifacio-ang-unang-pangulo/

Friday, September 12, 2008

"Rebolusyonaryo"

Kung kami'y isang rebolusyonaryo...

Anumang uri na lumalaban sa umiiral na panlipunang kaayusan ay epektibong makagawa nito kung bibigyan nito ng organisado at mulat na porma ang kanyang pakikibaka. Anuman ang pagkakamali at pagkabukod ng mga porma ng organisasyon at ng kanilang kamulatan, ito nga ang nangyari sa mga uring tulad ng alipin o ng magsasaka na hindi nagdadala sa loob ng hanay nila ng bagong panlipunang kaayusan. Pero ang mga pangangailangang ito ay mas pumapatungkol sa istorikal na mga uri na nagdadala ng bagong mga relasyon na kailangan para sa ebolusyon ng lipunan. Ang proletayado ay, kabilang sa mga uring ito, ang tanging uri na walang pang-ekonomiyang kapangyarihan sa loob ng lumang lipunan. Dahil dito ang kanyang organisasyon at kamulatan ay mas lalupang mapagpasyang mga salik sa kanyang pakikibaka.

Ang porma ng organisasyon na binuo ng uri para sa kanyang rebolusyonaryong pakikibaka at para sa paghawak ng pampulitikang kapangyarihan ay ang mga konseho ng mangagawa. Subalit habang ang buong uri ang paksa ng rebolusyon at muling ini-organisa sa mga organisasyong ito sa naturang panahon, hindi ito nagkahulugan na ang proseso para maging mulat ang uri ay sabay-sabay o magkatulad. Umuunlad ang makauring kamulatan sa liku-likong daan sa pamamagitan ng pakikibaka ng uri, sa kanyang mga tagumpay at kabiguan. Dapat harapin niya ang pagkahati-hating seksyonal o pambansa na siyang ‘kalikasan' ng kapitalistang lipunan at kung saan nasa interes ng kapital ang pagpapanatili nito sa loob ng uri.
Bilang mga rebolusyonaryo, isusulong namin ang katarungan at ang pagpigil sa masasmang gawi ng mga Lider natin. Hangad din namin ang magkaroon ng kapayapaan at katahimikan ang bansang Pilipinas at ang makamit ng mga Pilipino ang nararapat na katarungan. Kami'y nalulungkot at sadyang nasasaktang sa tuwing nakikita ng aming mga matang napakabata ang karahasang dulot ng kasakiman at kasamaan ng mga Pinunong namamahala sa atin. Nalulungkot kami na ang kasalukuyang henerasyon ay hindi nakakatamasa ng kaunlaran at masakit isipin na maaari pa rin itong mangyari sa susunod na henerasyon. Nais naming makatulong at ipahayag ang aming saloobin sa lahat. Sa pamamagitan ng aming munting tinig sana'y mabuksan ang mga puso't isipan ng mga Pilipino at magising sa katotohanan. magtulungan tayong paunlarin ang ating bansang Pilipinas.

Sinuportahan nga ba ni Rizal ang rebolusyon? Bakit nga ba? Tama ba ang naging desisyon niya?

Sinasabing hindi sang-ayon sa rebolusyon ang tinaguriang "Pambansang Bayani" natin. Bakit naman siya naging bayani kung gayon? Sa paraang kanyang ginamit, ang pagsusulat ng mga propaganda, ay kaisa sa rebolusyon, hindi siya gagawa ng mga naturang nobela at mga hakbang kung tutol siya sa rebolusyon. ang pangunahing layunin nila ay ang mapalaya nag mga Pilipino sa malulupit na kamay ng mga Espanyol!! Ang paraan niya ay hindi marahas, dinadaan niya ito sa mga nobela, sulatin at mga babasahin. Ginigising niya ang mga Pilipinong bulag sa katotohanan na kaya nating mag-aklas laban sa mga mapang-aping Espanyol. Siguro ayaw niyang makita ang mga madudugong awayan ng mga Pilipino at Espanyol..Nag-aalala din siya sa mga susunod na henerasyon kung masasaksihan nila ang mga rebolusyong nagaganap..

Makatarungan ba ang pagkamatay ni Andres Bonifacio? Bakit?

Naramdaman ni Bonifacio na kaya na niyang umpisahan ang himagsikan noong Mayo ng 1896. Subalit, bago pa man siya mag-umpisa; ang Katipunan ay natuklasan ng mga Kastila. Mahigit sa 1,000 Katipunero ang sumama sa kanya sa Pugad Lawin, Caloocan noong ika-23 ng Agosto, 1896. Buhat noon ang Katipunan ay natuklasan ng mga Kastila, kaya hindi sila makatakas sa pang-aaresto ng mga Kastila, at ang mga tauhan niya na kulang sa armas, pagod at gutom at kakaunti ang tumulong ay nakaranas ng malabong tagumpay at malubhang pagkatalo. Ito ang nagkumbinsi sa bahaging Magdiwang na anyayahan si Bonifacio sa Cavite para ayusin ang kanilang hidwaan at patuloy na magkaisa. Isang Pulong ang ginanap sa Tejeros, Cavite. Si Bonifacio ang namuno ng pagpupulong upang itatag ang Republika ng Pilipinas. Sa halalan si Aguinaldo ang nahalal na Pangulo, si Mariano Trias naman ang Pangalawang Pangulo at si Bonifacio ang Taga-Liham. Si Bonifacio ay nasaktan at ginamit niya ang kanyang karapatan bilang Pinakamataas na Pinuno ng Katipunan, upang mapawalang bisa ang halalan.Si Bonifacio ay lumipat sa Naic, Cavite at nag-umpisa siyang gumawa ng sarili niyang pamahalaan at puwersa. Samantala, ang mga umaabanteng tropa ng Kastilang Heneral na si Camilo de Polavia ay nagbabantang sakupin ang Cavite. Inutusan ni Aguinaldo sila Pio del Pilar at Noriel na pawang binigyan ng matataas na katungkulan na iwanan si Bonifacio at bumalik sa kanilang gawain.
Si Bonifacio kasama ang kanyang pamilya ay umalis sa Naic pauntang Indang at sa kanyang pagbabalik sa Montalban, si Aguinaldo ay nagpadala ng tauhan para siya ay arestuhin, subalit si Bonifacio ay lumaban at nasugatan. Humrap siya sa isang paglitis dahil sa kanyang gawain na laban sa bagong pamahalan at binigyan ng sentensiyang bitay ng isang Militar na Hukuman. Ang mga tauhan ni Aguilanaldo ang bumitay sa kanya sa kabundukan ng Maragondon, Cavite noong ika-10 ng Mayo, 1897.
Hanggang ngayon si Bonifacio ay kilala ng mga Pinoy sa kanyang katapangan na inilarawan sa mga katagang ito:
" Andres Bonifacio Matapang na Tao...."
Kung paano namatay si Andres Bonifacio ay hindi masasabing ito'y makatarungan sapagkat sila'y pinapatay ng kapwa Pilipino lamang. Ni hindi kaaya- aya ang kanilang pagkakalibing, parang silang mga hayop na inilibing lang sa ilalim ng lupa. Hindi nararapat ang ganitong libing sa ating bayani. Pero kunbg iniisip nila na sa panahon noon ay masa madaling matatamo ang katarungan ng isang bayani sa ganoong paraang ng paglilibing ay hindi naman msama kung titingnan lang ang positibing kahulugan nito.

Saturday, August 16, 2008

+ ang Bangsamoro Republic

The Bangsamoro homeland and historic territory refers “to the land mass as well as the maritime, terrestrial, fluvial and alluvial domains, and the aerial domain, the atmospheric space above it, embracing the Mindanao-Sulu-Palawan geographic region.

Ang Bangsamoro republic ay binubuo ng mga siyudad ng Palawan (ang ibabang bahagi ), dalawang siyudad at 12 probinsiya ng Mindanao aat ang Sulu sa Mindanao. Kasama dito ang isang lungsod (Cotabato City) at anim na lalawigan ng kasalukuyang Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) at dalawang pangunahing lungsod, Zamboanga City at Iligan, plus 7 lalawigan pa ng Palawan (the towns of Bataraza and Balabac), Lanao del Norte, Zamboanga del Sur, Zamboanga Sibugay, Bukidnon, Cotabato, at Sultan Kudarat.

"The MOA more than doubles the population under possible Bangsamoro sphere of influence from the present 4.19 million in the ARMM to 10.5 million by adding the 5.8 million in the additional two cities (of Zam­boanga and Iligan) and seven provinces which are outside the present ARMM. The Muslim territory expands four-fold from 12,694.5 square kms to 56,824 square kms. This is a combined area over 2,000 times the size of Makati or 342 times the size of Quezon City. The population under Bangsamoro homeland’s influence is almost the same size as the entire Metro Manila population."

Kung magkagayon man ay makokontrol ng Bangasamoro Republic ang dalawang naglalakihang rice granary ng bansa, ang Cotabato na may 449,202 toneladang produksyon ng palay at Maguin­danao na mayroong 433,766 tons. Sa kabilang dako naman, ang Iligan City na siyang sentro ng industriya sa timog at sakop pa nito ang Maria Cristina Falls na nagsusuplay ng kuryente sa kalakhang parte ng Mindanao.
=bakit ang Bangsamoro ......?

Historically, ang Mindanao o ang kasalukuyang tinaguriang Bangsamoro, ay hindi talaga naging parte ng kolonya ng mga Kastila at Amerikano,. Kung nagkagayon man ay dapat nasa ilalim rin sila ng ng "colonial Republic of the Philippines" o sinasabing political puppet ang Pilipinas sa ilalim ng Estados Unidos.. For centuries, ang Bangsamoro ay nasa chain of sovereign and independent sultanates recognized as such by the Chinese Empire, the United Kingdom, and even by the Crown of Spain and the United States of America. Sa kabila ng mga naghahangad na sakupin amg Mindanao, hindi pa rin sila nagtagumpay!! Makikita naman sa kanilang kultura, relihiyon, at iba pang aspeto ng pamumuhay ay naipreserve pa rin nila. Sa kasalukuyan nga ay ito ang nagsisilbing ugat ng kaguluhan: ang awayang Muslim at Kristiyano sa Mindanao na parte ng Pilipinas.... Maaring hindi nga ito masolusyonan sa pamamagitan ng MOA signing dahil nga sa pagkakaiba ng mga prinsipyo ng mga ito. Ayaw nilang magpatawag na mga "Filipino" dahil ayaw nilang maituring na nasakop ng mga kolonya ng Kastila at Amerika, bagkus ay mas matatanggap nilang matawag silang mga "MOROS"...
"This is because Bangsamoro People of Mindanao, Southern Philippines, are part of the global community and, as such, they should be accorded their inalienable right to regain their sovereignty or independence which they enjoyed for hundreds of years as shown by recorded international agreements they entered into with the Chinese Empire, the Dutch government, the United Kingdom, and even with Crown of Spain and the United States of America."
sinanggunian: http://mnlf.net/Mindanao%20Independence.htm

Thursday, August 14, 2008

wHat wAs thE resPonse Or hOw diD the FiliPinOs rEsisted The sPanisH coloniZation???
sa TagaloG:
aNo aNg mGa reSpoNse O paAno tiNanggiHan nG mGa piLipinO ang KoloNisasYon nG mGa esPanYol??

Napakaraming pagtanggi ang naganap noong panahon ng pananakop ng mga Espanyol. Ito'y dahil sa mga hindi makatao't hindi makatarungang pagtrato ng mga espanyol sa ating mga ninuno. Gaya sa nangyayari ngayon, napakaraming pag-aalsa at rebolusyon ang naganap sa iba't-ibang dako ng Pilipinas dahil sa hindi tamang pamamalakad ng ating mga pinuno. Rebolusyon ang naging sagot sa dasal ng ating mga ninuno upang maipakita ang kanilang mga saloobin at hinanakit sa mga nangyari noong panahon ng espanyol.
Ilan sa mga ito ay:

*PAG-AALSA dahil sa POLO at pagbabayad ng buwis

Nagkaroon ng pag-aalsa ang nga Ingles noong 1762. Dahil sa di pantay na "tribute" lumakas ang loob ng mga Pilipino na maghimagsik. Ang bawat Pilipino ay obligado na ibigay ang kanilang mga inani sa kamay ng mga Espanyol at bilang kapalit, sila ay binibigyan ng bayad. Dahil sa pandaraya ng mga Espanyol, nagutom ang maraming Pilipino at ito ang nagtulak sa kanila para maghimagsik. Lumaganap ang pag-aalsa sa napakaraming lugar; sa Laguna, Cavite, Camarines, Cebu, Tayabas, Panay, Samar at Cagayan.

*PAG-AALSA ni Palaris

Ang pag-aalsang ito ay naganap sa probinsya ng Pangasinan. Si Palaris ay nag-alsa dahil sa labis na pagsingil ng buwis ng mga Espanyol. Sinalakay ng mga Espanyol si Palaris at binitay noong 1764.

*PAG-AALSA nina Diego at Gabriela Silang

Ang pag-alsang ito ay naganap sa Ilocos noong (1762-1763) dahil sa indulto de comercio. Naging matagumpay ito at ipinahayag ang pag-aalis ng personal na sebisyo at pagpapalayas ng mga espanyol at mestiso sa buong lalawigan. Si Diego ay sumapi sa puwersa ng mga Ingles habang ipinagpatuloy naman ito ni Gabriela Silang.

*PAG-AALSA sa Cagayan

Ang pag-aalsang ito ang nagdeklara ng kasarinlan mula sa mga abusadong tagakolekta ng buwis. Sina Datu Dabo at Datu Juan Marayac and mga pinuno ng pag-aalsang ito.

*PAG-AALSA dahil sa Monopolyo sa Tabako

Ang pag-aalsang ito ay tungkol sa kwalang karapatan sa pagtatanim at malayang pakikipagkalakalan na ipinapatupad ng mga Espanyol.
*PAG-AALSA sa Basi

Ang pag-aalsang ito ay ang pagbabawal ng mga Espanyol sa mga Pilipino na gumawa ng alak dahil sila lamang ang pwedeng gumawa at magbenta. Naganap ang paghihimagsik noong 1807 at si Padre Mateo and namuno sa pag-aalsa.

2. What is the most effective Spanish colonization technique or the colonial policy by the Spaniards?

As the first western people to come to the Philippines, the Europeans imported "colonialism" the idea of owning a territory thousands of miles from home, inhabited by people culturally and racially different from themselves. Spain's conquest of the Philippines was followed by 400 years of Spanish rule. The majority of native people were reduced to being landless peasant sharecroppers. The Catholic Church owned vast tracts of land and controlled the educational system (Karnow, 1989).
Missionaries, government officials, and representatives of the Spanish empire thus imprinted upon the culture and consciousness some of its most enduring characteristics, thought the did not change the basic culture. Most of the population was converted to Hispanic Catholicism, and the visible aspects of culture (e.g., personal names, vocabulary, urban architecture, fine arts, dress, cuisine, customs) were profoundly influenced or modified (Harper & Fullerton, 1994). Modification is mistaken for total change, but the inherent cultural values stayed virtually in tact. The brand of Catholicism introduced by the Spanish, is not the same as the Catholicism practiced by the Spanish, but modified by the Filipinos to fit their Animist roots. The “Saints,” were acceptable substitutes for the many gods they worshiped.
The most effective Spanish colonization technique is the Catholicism or the spread of Christianism in our country.

The Philippines in general has the strongest Christian influence in Asia. Majority of Filipinos are Catholics and most are fanatically involved. Lives of Filipinos evolve on their religious beliefs. They believe that God and its saints are the ones responsible for what they are and how they live. This is evident in their celebrations of town fiestas and festivals every year.
Pahiyas is one example that brings out the fanatic practices of the Filipinos wherein a particular saint is believed to nourish a town’s harvest by offering it a colorful festival related to the town’s main source of living. Fruits, rice, vegetables or any product related to their livelihood are lavishly decorated on to their houses. Bizarre, but the festivity transforms the whole town into an explicit sight of creativity from the colors and textures of natural ornaments. The most popular custom that regards the strong influence of Christianism to the Filipinos is the yearly commemoration of holy week, which features the sufferings and death of Christ. Several activities within the month of celebration are performed including the recital of passion, reenactment of Jesus sufferings and death (practiced on a real cross, with real nails pounded on their hands and even the make up that resembles the looks of the Christ), processions and more prayings. This unusual practice made people around the globe wonder and smile, but the significance it brings to the lives of every Filipino in reuniting their families and comemorating their traditions is enough for the world to understand. Such cultural traits they inherited from the west that Filipinos brought it to its own uniqueness.

(reference: http://www.camperspoint.com/article.php3?id_article=61 )

>reduccion and plaza complex<


+ na ang lahat ng mga pilipino ay dapat nakatira malapit sa simbahan upang marinig nila ang batingting ng kampana ng simbahan dahil ito ang nagsisilbing senyas kung may paparating na mga kaaway o may magaganap na mga selebrasyon kung saan madaling matipon ang mga tao.



3. Opinyon ng aming grupo tungkol sa reaksyon ng Simbahang Katoliko sa Reproductive Health Bill ni Edsel Lagman.


Reproductive Health Bill o House Bill 4110

Sa aming palagay, normal lang naman na mag-react ang simbahang katoliko dahil sa reproductive health bill na ito. Hindi naman maiiwasan ang mga iringan ng simbahan at gobyerno dahil sa magka-iba talaga ang prinsipyo ng dalawa. Sa panig ng simbahan, "Go to the world and multiply..." ang mga katagang ibinigkas ng Diyos sa mga tao para magpadami ng ating lahi. Pero sa tingin namin, maganda naman ang hangarin ng pamahalaan dahil sa paggamit ng mga contraceptives at mga natural method ng pagbuo ng pamilya. Hindi naman ibig sabihin ng pamahalaan na mag-abort ang isang buntis dahil sa policy na ito, bagkus ay mas madaling makokontrol ng pamahalaan ang pagdami ng populasyon taun-taon. Hindi gaya ngayon na ang isang pamilya ay mayroong 5-10 na mga anak na siyang nagpapalala ng kanilang kahirapan at ang sinisisi pa nila ay ang pamahalaan. Kaya, kung sa gayon ay mas mainam na maipasa na at maimplement na ang Reproduvtive Health Bill na ito dahil sa maaaring ito na ang solusyon sa lumalalang pagdami ng populasyon at kahirapan sa bansa.

pakitingnan ang site na ito para sa karagdagang detalye sa House Bill 4110: http://www.google.com/search?hl=tl&q=reproductive+health+bill&btnG=Hanapin+sa+Google&meta+cr%3DcountryPH

Tuesday, July 29, 2008

famous T'boli people


Gumbay Sulan a very talented T'Boli bamboo zither player recently passed away this August.




Maria Wanan, T'boli Teacher and head of Helobung, the internationally known T'boli cultural troupe.



Former Lake Sebu Mayor Bao Baay, bringing culture to new generations through native education and a T'boli museum.

..mga T'boli..





-:aNg BabaEng T'boLi:-

PISIKAL NA ANYO
  • ang pisikal na anyo ng babaeng t'boli ay sadyang natural at naiiba...
  • sila ay kahawig ng mga MALAYO...[alam mo kung bakit??] kasi wala silang halong Intsik na dugo..
  • maliliiit at kulay brown na mga mata
  • di katulad sa mga Bontoc, matatandang T'boling mga babae ay nanatiling poised and not wind up as bent hags
KABUHAYAN
  • ang kanilang ikinabubuhay ay pangangaso, pangingisda, pangangahoy at pagsasaka
PAGKAIN

  • ang mga kinakain nila: edible leaves, barks, roots,suso, palaka, hito, wild birds, at venison.....
  • ang kanilang diyeta: kamote, gabi, ube, mais at bilanghoy...
  • ang manok at ang kanin ay inihahanda lamang sa mga espesyal na okasyon...
KASUOTAN

  • gawa sa t'nalak na hinabi mula sa abaca fiber
  • ang kanilang mga sing-sing, hikaw, kwintas, bracelet, anklet at girdles ay may halong bronse at brass.
  • ang girdle ay sinusuot lamang ng mga kababaihan na mula sa nakatataas na parte ng lipunan.
  • sinasabing ang mga bells ay palaging sinusuot para akitin ang dugo ng lalaking t'boli sa tuwing nagkakaroon ng mga panahon na magkasama.

Sunday, July 27, 2008

T' boli











Ang mga T'boli, na kilala rin sa tawag na Tiboli o Tagabili, ay kabilang sa mga katutubong tao ng rehiyon ng
SOCCSKSARGEN. Ang kanilang mga tradisyunal na lupain ay matatagpuan sa kabundukan ng mga munisipalidad ng Surallah, Kiamba, Polomolok at T'boli. Kabilang sa mga lupaing ito ang kinaroroonan ng tatlong lawang mahalaga sa mga T'boli: ang mga lawa ng Siloton, Lahit at Sebu, na matatagpuan sa munisipalidad ng Lake Sebu.
Ayon sa dating alkal
de ng munisipalidad ng T'boli na si Dad Tuan, ang salitang "T'boli" ay hango sa "Tau-bili"; "tau" na tumutukoy sa tao, at "bili", na ang ibig sabihin ay "bunga ng ligaw na baging". Mayroon ding nagsasabing tinawag ng mga Kristiyano na "Tagabili" ang pangkat ng mga katutubong ito sapagkat ang mga katutubo ang tagabili ng kanilang mga kalakal. Samantala, ayon naman sa nakalagay sa website ng munisipalidad ng T'Boli, ang pangalan ng pangkat ay hango sa "Tao belil" na ang ibig sabihin ay "taong nakatira sa bundok".
Ayon sa tala ng Pambansang Museo noong Nobyembre 1991, may 68,282 na T'boli sa rehiyon ng SOCCSKSARGEN.

KASAYSAYAN

Ayon sa mga alamat at tradisyon ng mga T'boli, ang kanilang mga ninuno ang mga tanging nakaligtas mula sa isang malaking baha. Dalawang pares ng mag-asawa ang binigyan ng babala ng kanilang diyosang si Dwata kung kaya nakasakay sila sa isang malaking kawayan at hindi nalunod sa baha. Sa unang pares ng mag-asawa nagmula ang mga T'boli at iba pang mga katutubo, o Lumad, ng Mindanao, at ang mga pangkat na nagbagong loob sa Islam tulad ng mga Maguindanao. Samantala, mula naman sa ikalawang pares ang mga pangkat na naging mga Kristiyano.
Ang mga
tarsila ng mga Muslim ay nagsasabing ang mga T'boli at ibang mga Lumad ay dating nanirahan sa mga lambak at kapatagan ng ngayo'y Rehiyon ng SOCCSKSARGEN. Nang dumating ang Islam sa Mindanao noong ika-14 siglo, ayaw ng mga Lumad na magbagong loob sa Islam kung kaya lumipat sila sa kabundukan kung saan mahihirapan ang mga Muslim na habulin sila. Sa galit ng mga Muslim, kanilang sinalakay ang mga Lumad at ginawang alipin ang kanilang madadakip o masasakop. Dahil dito, nagkaroon na ng sigalot sa pagitan ng dalawang pangkat. Bunga nito'y naging mga kontrabida ang mga Muslim sa katutubong panitikan ng mga T'boli.
Dahil sa paglaban ng mga Muslim sa mga Espanyol na mananakop, hindi gaanong napasok ng mga Espanyol ang Mindanao kung kaya hindi narating ng impluwensiya ng dayuhan ang mga T'boli. Panahon na ng mga Amerikano nang unang dumating ang mga pangkat ng mga Kristiyano sa lugar.
Noong 1913, ang
Lambak ng Cotabato ay binuksan ng pamahalaang Amerikano sa mga nais maghanap ng bagong tirahan at maraming mga Kristiyano mula sa Luzon at Visayas ang dumating sa lugar. Pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, noong 1948, bunga ng lumalaking sigalot sa repormang agraryo, binuksan din ng pamahalaan ng Pilipinas ang mga lambak ng Alah at Koronadal sa kung sino mang nais pumasok at manirahan doon. Iyon ang naging daan upang pumasok ang maraming tao sa lugar. Kasama nila ang mga may interes sa pagrarantso, pagmimina at pagtotroso, na nagsimulang pasukin ang katutubong lupain ng mga T'boli. Dahil sa kawalan ng kaalaman sa pagpapatitulo ng lupa, unti-unting napaalis ang mga T'boli sa mga lupaing hawak ng kanilang mga ninuno mula pa noong unang panahon.

KULTURA

Agrikultura


Ang mga T'boli ay mga

kainginero na nagtatanim ng bigas, kamoteng kahoy at ube. Pinuputol nila ang malalaking puno sa kagubatan at sinusunog ang mga maliliit na puno at mga damo, pagkatapos ay tinatamnan ang lupa ng kung ilang taon na walang ginagamit na pataba. Nangangaso din sila at nangingisda para sa karagdagang pagkain. Relihiyon at Paniniwala
Naniniwala ang T'boli sa maraming diyos. Pinakamalakas sa mga diyos na ito ay si
Kadaw La Sambad na diyos ng araw, at si Bulon La Mogoaw na diyosa ng buwan, na magkasamang naninirahan sa ikapitong langit. Ang dalawang ito ay nagkaroon ng pitong anak na lalaki at pitong anak na babae, na nagpakasal sa isa't isa at naging mga diyos din. Ayon sa mga T'boli, ang isang ibong tinatawag na muhen ay diyos ng kapalaran, at ang kanta ng ibong ito ay nagdudulot ng kamalasan. Bukod sa mga diyos na ito, naniniwala din sila na ang lahat ng bagay ay may sariling espiritu na dapat amuin upang magkaroon ng magandang kapalaran. Ayon sa kanila, ang mga busao, o masasamang espiritu, ay maaaring paglaruan ang mga tao at magdulot ng karamdaman o kamalasan.


Sining Pagtatanghal

Mayaman ang kultura ng mga T'boli, at marami silang tinutugtog na instrumentong pangmusika. May i

nstrumentong perkusyon sila kagaya ng

tnonggong o tambol na yari sa balat ng hayop, agong, at klintang. Kabilang sa instrumento nilang hinihipan ay ang sloli o plawta na yari sa kawayan, kubing, at few o maliit na tambuli. Mayroon din silang instrumentong de-kuwerdas tulad ng sludoy at hagalong.
Ang mga T'boli ay may maraming awitin at sayaw para sa iba't ibang okasyon. Kabilang sa mga katutubong sayaw nila ang mga sumusunod:
-Sayaw ng panliligaw
-
Kadal herayon o sayaw pangkasal
-
Tao soyow o sayaw ng naglalaban
-
Kadal temulong lobo o sayaw ng pagwawagi
-
Kadal hegelung o sayaw ng sawi sa pag-ibig
-
Kadal be hegelung o sayaw ng anihan
-
Kadal iwas o sayaw ng matsing
-
Kadal blelah o sayaw ng ibon
-
Kadal tabaw
-
Kadal slung be tonok
-
Kadal tahu
Karaniwang ginagamit ang
malong o tapis bilang bahagi ng mga sayaw na ito. Wika at Panitikan
Ang epikong "
Tud Bulol" ang pinakasentro ng panitikan ng mga T'boli. Kinakanta lamang ang kabuuan nito sa mga mahahalagang okasyon, sapagkat ang pagkanta nito ay maaaring umabot ng 16 oras, at karaniwang ginagawa kapag gabi. Marami ring mga pamahiin, paniniwala, salawikain at sawikain ang mga T'boli, at mayroon din silang mga alamat at kuwentong-bayan tungkol sa kanilang mga diyos at bayani.
Di gaya ng ibang mga pangkat-etniko ng Pilipinas, katutubo sa wika ng mga T'boli ang paggamit ng diptonggo at titik "f". Ito ay kakaiba dahil hindi kasama sa alpabetong
Tagalog ang titik "f" kundi itinuturing na hango sa salita ng mga mananakop na Espanyol.
Mga Salita
Hyu Hlafus - Magandang umaga
Tey Bong Nawa hu Kuy - Salamat


Sining at Gawaing Kamay


Kilala ang mga T'boli sa kanilang hilig sa mga palamuti at makukulay na gawaing kamay. Naniniwala sila na nilikha ng Diyos ang mga lalaki at mga babae para gawing kaakit-akit ang kanilang mga sarili upang sila ay maakit sa isa't isa at magkaanak.

Pansariling Kagandahan
Sa paningin ng mga T'boli, ang mapuputing ngipin ay pangit at nararapat lamang sa mga hayop, kung kaya isinasagawa nila ang tamblang, o ang pagkikil ng ngipin upang maging pantay ang mga ito, pagkatapos ay ang pagpapaitim ng ngipin gamit ang dagta ng balat ng punong kahoy tulad ng silob o olit. Ang iba sa kanila ay ginaya ang gawain ng mga kabilang sa pangkat ng Muslim, na ang mga kilalang tao, tulad ng datu at kanyang mga asawa, ay naglalagay ng ginto sa ngipin bilang pagpapahiwatig na sila ay mayaman.
Nagpapatatu din ang mga T'boli, hindi lamang bilang pagpapaganda sa sarili kundi dahil sa paniniwalang kapag sila ay namatay, magliliwanag ang kanilang mga tatu at iilawan ang kanilang daan patungo sa kabilang mundo. Nagpapatatu ang mga lalaking T'boli sa kanilang mga braso, balikat at dibdib ng mga disenyong bakong (hayop), hakang (tao), blata (halamang pako) o ligo bed (sigsag). Nagpapatatu din ng ganoong disenyo sa kanilang mga binti, braso at dibdib ang mga babaeng T'boli.
Ang isa pa sa kanilang mga paraan ng pagpapalamuti sa katawan ay ang paglikha ng pilat sa pamamagitan ng paglapat ng nagbabagang uling sa balat. Para sa mga T'boli, ang lalaking mas maraming pilat ay mas matapang.

Mga Palamuti

Mula sa kanilang kamusmusan, natuto na ang mga babaeng T'boli na pagandahin ang kanilang mga sarili. Gumagamit sila ng mga pampaganda at inaayos nila ang kanilang buhok, na pinapalamutian nila ng mga paynetang may mga palawit na makulay na abaloryo. Para sa kanila, mas mainam ang marami pagdating sa mga palamuti, kung kaya hindi lamang isa sa bawat uri ng palamuti ang isinusuot nila ngunit pinagsasabay nila ang lahat ng kaya nilang isuot.
Kabilang sa mga palamuti ng mga babaeng T'boli sa kanilang mga sarili ay ang:
-Payneta
-
Suwat blakang - gawa sa kawayan
-
Suwat tembuku - may palamuting salamin
-
Suwat lmimot - may palamuting abaloryo
-
Suwat hanafak - gawa sa tanso
-Hikaw
-
Kawat - gawa sa tanso at hinugis na parang singsing
-
Bketot - salamin na hugis bilog at pinalibutan ng makulay na abaloryo
-
Nomong - mahahabang hikaw na gawa sa mga abaloryo at kadenang tanso
-
Bkoku - gawa sa kabibe na hugis tatsulok
-
Kowol o Beklaw - kumbinasyong hikaw at kuwintas
-Kuwintas
-
Hekef - maiksing kuwintas na gawa sa pula, puti, dilaw at itim na abaloryo
-
Lmimot - kuwintas na may maraming panali, gawa sa pula, puti at itim na abaloryo na -magkaiba ang sukat
-
Lieg - gawa sa tanso na may kasamang abaloryo at maliliit na kuliling
-Sinturon
-
Hilot - gawa sa tanso, ito ay may lapad na 5 hanggang 7 sentimetro at may -karagdagang 10 sentimetrong mga maliliit na kadena na nakakabit sa ilalim na gilid nito. Ang bawat maliit na kadena ay may kuliling sa dulo. Ang isang hilot ay maaaring magkaroon ng bigat ng 2 hanggang 3 kilo.
-
Hilot lmimot - kamukha ito ng ordinaryong hilot ngunit gawa ito sa makulay na abaloryo imbes na tanso kung kaya't mas magaan ito. May mga kuliling pa rin sa dulo ng bawat palawit na abaloryo.
Pulseras
-
Blonso - may kapal na 6 sentimetro at laki ng 8 millimetro, ito ay karaniwang isinusuot ng maluwang at may 15 hanggang 20 sa isang braso.
-
Kala - mas makapal sa blonso, isinusuot ito ng masikip at karaniwang 5 sa isang braso.
-Anklet
-
Tugul - may sukat ng 5 sentimetro, itim at malapad ito at isinusuot ng masikip sa binti
-
Singkil linti - may laki ng 10 sentimetro at kapal ng 6 hanggang 10 millimetro, may disenyong heometriko at isinusuot ng maluwang
-
Singkil babat - katulad ng singkil linti ngunit mas kumplikado ang disenyo, isinusuot ng maluwang
-
Singkil slugging - may kapal ng 15 millimetro, may laman na maliliit na bato na lumilikha ng tunog kapag gumagalaw ang may suot, maluwang ang pagkakasuot
-Singsing
-
Tsing - isinisuot nang tiglilima sa bawat daliri ng kamay at paa, karaniwang salitan na singsing na gawa sa tanso at singsing na gawa sa sungay ng kalabaw. Maaaring simple ang mga singsing na ito o magkaroon ng disenyo o dekorasyon.


Katutubong Kasuotan


Ang mga T'boli ay may iba't ibang kasuotan para sa iba't ibang okasyon. Sinusuot nila ang mga simpleng anyo ng kanilang katutubong damit kapag ordinaryong araw, at magagarang damit kapag may natatanging okasyon.
Damit Pambabae Ang kadalasang isinusuot ng mga babaeng T'boli kapag nagtatrabaho sa bukid ay ang mga sumusunod:

-Kgal taha suong - simpleng itim o bughaw na blusa na may mahahabang manggas at walang kuwelyo. Hapit ito sa katawan at hanggang baywang ang haba.
-
Luwek - paldang hanggang bukong-bukong ang haba, hugis tubo katulad ng malong ng mga Muslim
-
Slaong kinibang - bilugang salakot na gawa sa kawayan, 50 sentimetro ang lapad. Ito ay natatabunan ng telang kulay pula, itim o puti, na kadalasan ay may disenyong heometriko. Mayroon din itong sapin na pulang tela sa loob, na nakalaylay sa likod at balikat ng nagsusuot upang hindi ito tamaan ng init ng araw. Bawat isa sa mga salakot na ito ay may orihinal na disenyong palamuti at walang dalawang magkatulad.

Pang-araw-araw na kasuotan naman nila ang mga sumusunod:
-Kgal bengkas - blusang mahaba ang manggas at bukas ang harapan. Ito ay kadalasang may palamuting kulay pula na naka-ekis sa likod at nakapalibot sa manggas.
-
Kgal nisif - blusang may mas magarang palamuti. Ito ay kadalasang may burda na disenyong tao o hayop, o di kaya'y disenyong heometriko o sigsag na kulay pula, puti o dilaw.
-
Fan de - paldang kulay pula o itim, kadalasang binibili mula sa mga taga-lambak o kapatagan.
Ito naman ang mga isinusuot nila para sa mga natatanging okasyon:
-
Kgal binsiwit - blusang may maraming burda at may palamuting kabibe, kadalasang isinusuot tuwing may kasalan
-
Tredyung - paldang itim na may makikitid na guhit, gawa sa lino. Itineterno ito sa kgal binsiwit.
-
Bangat slaong - isang uri ng slaong kinibang na isinusuot kapag may natatanging okasyon. Mayroon itong dalawang malalapad na palawit na gawa sa dinisenyong mga abaloryo, at may tassel sa dulo na gawa sa buhok ng kabayo.
Damit Panlalaki Ang mga lalaking T'boli ay kadalasang nagsusuot ng simpleng kamiseta at pantalon kapag ordinaryong araw, tulad ng karamihan sa mga Filipino. Nagsusuot lamang sila ng katutubong damit kapag may natatanging okasyon.
-
Kgal saro - dyaket na gawa sa abaka. Ito ay may mahahabang manggas at hapit sa katawan.
-
Sawal taho - pantalon na hanggang tuhod o hanggang bukong-bukong ang haba, at ang bahaging nasa baywang ay abot hanggang balikat ng nagsusuot. Tinatalian ito ng sinturong abaka sa baywang, pagkatapos ay hinahayaan ang bahaging nasa itaas na lumaylay na parang palda na nakatabon sa balakang at hita.
-
Olew - simpleng turban o putong sa ulo
-
Slaong naf - hugis-apa ngunit malapad na sombrero na may kulay itim at puting disenyong heometriko. Ito ay gawa sa nilala na maninipis na piraso ng kawayan, at mayroong bilog na palamuting gawa sa tanso o salamin sa tungki. Nilalang yantok naman ang sapin nito sa loob.
-
Slaong fenundo - hindi kasing lapad ng slaong naf, ito ay gawa sa materyales na kulay dayami na itinahi ng itim na sinulid.
-
Hilot - sinturon kung saan nakasabit ang kafilan o espada ng lalaking T'boli
-
Angkul - malapad na sinturon na gawa sa makapal na tela, sinusuot ng datu bilang tanda ng kanyang kapangyarihan

Gawaing Kamay


Mga Produktong Yari sa Metal:
-
Sudeng - mga espada
-
Lanti - espada na ang hawakan ay yari sa tanso at may disenyong heometriko; may palawit itong maninipis na kadena na may tnoyong o kuliling sa dulo
-
Tedeng - simpleng espada na walang palamuti
-
Kafilan - espada na kahawig ng itak
-
Tok - espesyal na espada na may magagarang palamuti, ginagamit sa mga ritwal. Ang talim nito ay may haba ng 60 hanggang 70 sentimetro at may nakaukit na disenyong heometriko. May magagarang palamuti ang hawakan nito na may palawit na maninipis na kadenang may kuliling sa dulo. Ang lalagyan nito ay gawa sa itim na kahoy na pinagbigkis ng tatlo o apat na piraso ng metal, at may nakaukit na heometrikong disenyo.
-
Kabaho - mga kutsilyo o patalim na may magagarang palamuti tulad ng tok. Ito ay may maraming anyo at sukat.
-Piguring tanso - mga pigurin na mula 7.5 hanggang 10 sentimetro ang taas, gawa sa tanso. Inilalarawan ng mga ito ang mga T'boli sa kanilang pang-araw-araw na pamumuhay. Gawa ang mga ito gamit ang cire perdue na pamamaraan.
-Mga pulseras at kadenang tanso na ginagamit bilang palamuti ng mga babaeng T'boli.
-
Tnoyong o kuliling, na karaniwang ikinakabit o ginagawang palawit sa iba pang mga produkto ng gawaing kamay ng T'boli.

Paghahabi

T'nalak o tinalak - ang pinakakilalang produkto ng mga T'boli. Ito ang kanilang sagradong tela na gawa sa hinabing abaka. Ayon sa mga tradisyon at alamat ng mga T'boli, ang paghahabi ng telang ito ay itinuro sa kanilang mga ninuno ng kanilang diyosang si Fu Dalu at magmula noon, nalalaman ng mga babaeng T'boli kung ano ang gagawing disenyo ng ihahabing t'nalak sa pamamagitan ng kanilang mga panaginip. Bunga nito, naging tanyag sa labas ng bansa ang t'nalak, na tinawag ng ilang dayuhan na "dreamweave" o telang habi sa panaginip, at ang mga babaeng T'boli naman ay binansagang "dreamweavers" o mga naghahabi sa panaginip. Ang mga produktong t'nalak ang naging pangunahing produktong pinagkakilanlan ng lalawigan ng Timog Cotabato. Si Lang Dulay, isang manghahabing T'boli, ay ginawaran ng Gawad sa Manlilikha ng Bayan ng National Commission for Culture and the Arts bilang pagkilala sa kanyang papel bilang katutubong alagad ng sining na nangalaga at luminang sa pambansang pamana ng lahi.


Sanggunian:

http://fil.wikipilipinas.org/index.php?title=T