Ang "KINAADMAN" ay hango sa salitang waray na ang ibig sabihin ay nalalaman. Ito ang napili naming titulo dahil sa gusto naming maibahagi ang aming mga nalalaman at opinyon sa bawat paksa na aming tatalakayin. Sinisiguro ng lahat ng miyembro ng blog na ito na puro at detalyado ang lahat ng aming ibabahagi sa mga mambabasa.
Noong September 27, 1901Dahil sa treaty of parisKung saan
binenta tayo sa mga kano,At mula noon ay naging kakambalNa natin ang malas dahil palagi na langTayong damay sa mga away ni Amboy,Lumusob ang mga anak ni Ankol SamAt nanunog, nang-rape, namaril,Nang-torture, nagnakaw sa buong bayan.Lalong lalo na sa isla ng Samar,Dumating ang mga ‘kano sa bayan ng Balangiga.So isang gabi, ang mga magigiting na mamayanNg Balangiga ay nagplano:Ihawin na natin ang
Amerikano!Nagsuot sila ng mga damit pambabaeLumusob ng gabiAt pinagtataga ang mga humihilik naAmerikanong sundaloIto na nga ang nagingBalangiga massacre—Pero massacre para kanino?Massacre daw ayon sa kasaysayan ng Amerikano.Paano magiging massacre eh nagtatanggol lang naman tayo?Pag may pumasok bang magnanakawSa bahay mo at pinatay mo ang magnanakawE kasalanan mo pa rin ba yun?I mean, I hope you don’t mind, and won’t take offense,But read my lips: we all did it in self-defenseBumawi ang mga kano—Nag-utos si Gen. Jakob Smith na sunugin ang Samar“I want you : I want you to kill and burn, the more
you killand burn, the better you will please me!” sabi niya.And that meant anybody nine years or older,Marunong magsalita, wasto ang katawanLahat kailangang madamay sa madugong katayan.At iyan po ang ibig sabihin ng benevolent assimilation:Pang-aabuso, pagnanakaw, assassinationPanloloko, pang-gagago, pang-iinsultoKung tratuhin tayo parang kutoAmerica—you’re no longer a countryBut a registered trademarkLike the red, white, and blue packetsJust like a hotdog in the parkAnd after New York and World Trade CenterWe say: “We are all Americans.
We are all Americans."Ikaw na lang.Wag nang maulitPero naulit ang
kasaysayang lagi na langNapipilipit.
Aling pag-ibig pa ang hihigit kaya
sa pagkadalisay at magkadakila
Gaya ng pag-ibig sa sariling lupa?
Aling pag-ibig pa? Wala na nga, wala.
Pagpupuring lubos ang palaging hangad
Sa bayan ng taong may dangal na ingat,
Umawit, tumula, kumata't at sumulat,
Kalakhan din niya'y isinisiwalat.
Walang mahalagang hindi inihandog
Ng may pusong mahal sa Bayang nagkupkop,
dugo, yaman, dunong, katiisa't pagod,
Buhay ma'y abuting magkalagut-lagot.
Bakit? Alin ito na sakdal ng laki,
Na hinahandugan ng busong pagkasi,
Na sa lalong mahal nakapangyayari,
At ginugulan ng buhay na iwi?
Ay! Ito'y ang iang bayang tinubuan:
Siya'y iona't tangi sa kinamulatan
Ng kawili-wiling liwanang ng araw
Na nagbigay-init sa buong katawan.
Kalakip din nito'y pag-ibig sa Bayan,
Ang lahat ng lalong sa gunita'y mahal,
Mula sa masaya'y gasong kasanggulan
Hanggang sa katawa'y mapasa-libingan.
Sa aba ng abang mawalay sa bayan!
Gunita ma'y laging sakbibi ng lumbay,
Walang alaala't inaasa-asam
Kundi ang makita'y lupang tinubuan.
Pati ng magdusa'y sampung kamatayan
Wari ay masarap kung dahil sa bayan
At lalong mahirap. Oh, himalang bagay!
Lalong pag-irog pa ang sa kanya'y alay.
Kung ang bayang ito'y masasa-panganib
At siya ay dapat na ipagtangkilik,
Ang anak, asawa, magulang, kapatid;
Isang tawag niya'y tatalidang pilit.
Hayo na nga, hayo, kayong nagabuhay
Sa pag-asang lubos ng kaginhawahan
At walang tinamo kundi kapaitan,
Hayo na't ibangon ang naabang bayan!
Kayong nalagasan ng bunga't bulaklak
Ng kaho'y ng buhay na nilanta't sukat,
Ng bala-balaki't makapal na hirap,
muling manariaw't sa baya'y lumiyag.
Ipahandug-handog ang busong pag-ibig
At hanggang may dugo'y ubusing itigis;
kung sa pagtatanggol, buhay ay mapatid,
Ito'y kapalaran at tunay na langit!
Kung kami'y isang rebolusyonaryo...
Anumang uri na lumalaban sa umiiral na panlipunang kaayusan ay epektibong makagawa nito kung bibigyan nito ng organisado at mulat na porma ang kanyang pakikibaka. Anuman ang pagkakamali at pagkabukod ng mga porma ng organisasyon at ng kanilang kamulatan, ito nga ang nangyari sa mga uring tulad ng alipin o ng magsasaka na hindi nagdadala sa loob ng hanay nila ng bagong panlipunang kaayusan. Pero ang mga pangangailangang ito ay mas pumapatungkol sa istorikal na mga uri na nagdadala ng bagong mga relasyon na kailangan para sa ebolusyon ng lipunan. Ang proletayado ay, kabilang sa mga uring ito, ang tanging uri na walang pang-ekonomiyang kapangyarihan sa loob ng lumang lipunan. Dahil dito ang kanyang organisasyon at kamulatan ay mas lalupang mapagpasyang mga salik sa kanyang pakikibaka.
Ang porma ng organisasyon na binuo ng uri para sa kanyang rebolusyonaryong pakikibaka at para sa paghawak ng pampulitikang kapangyarihan ay ang mga konseho ng mangagawa. Subalit habang ang buong uri ang paksa ng rebolusyon at muling ini-organisa sa mga organisasyong ito sa naturang panahon, hindi ito nagkahulugan na ang proseso para maging mulat ang uri ay sabay-sabay o magkatulad. Umuunlad ang makauring kamulatan sa liku-likong daan sa pamamagitan ng pakikibaka ng uri, sa kanyang mga tagumpay at kabiguan. Dapat harapin niya ang pagkahati-hating seksyonal o pambansa na siyang ‘kalikasan' ng kapitalistang lipunan at kung saan nasa interes ng kapital ang pagpapanatili nito sa loob ng uri.Bilang mga rebolusyonaryo, isusulong namin ang katarungan at ang pagpigil sa masasmang gawi ng mga Lider natin. Hangad din namin ang magkaroon ng kapayapaan at katahimikan ang bansang Pilipinas at ang makamit ng mga Pilipino ang nararapat na katarungan. Kami'y nalulungkot at sadyang nasasaktang sa tuwing nakikita ng aming mga matang napakabata ang karahasang dulot ng kasakiman at kasamaan ng mga Pinunong namamahala sa atin. Nalulungkot kami na ang kasalukuyang henerasyon ay hindi nakakatamasa ng kaunlaran at masakit isipin na maaari pa rin itong mangyari sa susunod na henerasyon. Nais naming makatulong at ipahayag ang aming saloobin sa lahat. Sa pamamagitan ng aming munting tinig sana'y mabuksan ang mga puso't isipan ng mga Pilipino at magising sa katotohanan. magtulungan tayong paunlarin ang ating bansang Pilipinas.
Sinuportahan nga ba ni Rizal ang rebolusyon? Bakit nga ba? Tama ba ang naging desisyon niya?
Sinasabing hindi sang-ayon sa rebolusyon ang tinaguriang "Pambansang Bayani" natin. Bakit naman siya naging bayani kung gayon? Sa paraang kanyang ginamit, ang pagsusulat ng mga propaganda, ay kaisa sa rebolusyon, hindi siya gagawa ng mga naturang nobela at mga hakbang kung tutol siya sa rebolusyon. ang pangunahing layunin nila ay ang mapalaya nag mga Pilipino sa malulupit na kamay ng mga Espanyol!! Ang paraan niya ay hindi marahas, dinadaan niya ito sa mga nobela, sulatin at mga babasahin. Ginigising niya ang mga Pilipinong bulag sa katotohanan na kaya nating mag-aklas laban sa mga mapang-aping Espanyol. Siguro ayaw niyang makita ang mga madudugong awayan ng mga Pilipino at Espanyol..Nag-aalala din siya sa mga susunod na henerasyon kung masasaksihan nila ang mga rebolusyong nagaganap..
Makatarungan ba ang pagkamatay ni Andres Bonifacio? Bakit?
Naramdaman ni Bonifacio na kaya na niyang umpisahan ang himagsikan noong Mayo ng 1896. Subalit, bago pa man siya mag-umpisa; ang Katipunan ay natuklasan ng mga Kastila. Mahigit sa 1,000 Katipunero ang sumama sa kanya sa Pugad Lawin, Caloocan noong ika-23 ng Agosto, 1896. Buhat noon ang Katipunan ay natuklasan ng mga Kastila, kaya hindi sila makatakas sa pang-aaresto ng mga Kastila, at ang mga tauhan niya na kulang sa armas, pagod at gutom at kakaunti ang tumulong ay nakaranas ng malabong tagumpay at malubhang pagkatalo. Ito ang nagkumbinsi sa bahaging Magdiwang na anyayahan si Bonifacio sa Cavite para ayusin ang kanilang hidwaan at patuloy na magkaisa. Isang Pulong ang ginanap sa Tejeros, Cavite. Si Bonifacio ang namuno ng pagpupulong upang itatag ang Republika ng Pilipinas. Sa halalan si Aguinaldo ang nahalal na Pangulo, si Mariano Trias naman ang Pangalawang Pangulo at si Bonifacio ang Taga-Liham. Si Bonifacio ay nasaktan at ginamit niya ang kanyang karapatan bilang Pinakamataas na Pinuno ng Katipunan, upang mapawalang bisa ang halalan.Si Bonifacio ay lumipat sa Naic, Cavite at nag-umpisa siyang gumawa ng sarili niyang pamahalaan at puwersa. Samantala, ang mga umaabanteng tropa ng Kastilang Heneral na si Camilo de Polavia ay nagbabantang sakupin ang Cavite. Inutusan ni Aguinaldo sila Pio del Pilar at Noriel na pawang binigyan ng matataas na katungkulan na iwanan si Bonifacio at bumalik sa kanilang gawain.
Si Bonifacio kasama ang kanyang pamilya ay umalis sa Naic pauntang Indang at sa kanyang pagbabalik sa Montalban, si Aguinaldo ay nagpadala ng tauhan para siya ay arestuhin, subalit si Bonifacio ay lumaban at nasugatan. Humrap siya sa isang paglitis dahil sa kanyang gawain na laban sa bagong pamahalan at binigyan ng sentensiyang bitay ng isang Militar na Hukuman. Ang mga tauhan ni Aguilanaldo ang bumitay sa kanya sa kabundukan ng Maragondon, Cavite noong ika-10 ng Mayo, 1897.
Hanggang ngayon si Bonifacio ay kilala ng mga Pinoy sa kanyang katapangan na inilarawan sa mga katagang ito:
" Andres Bonifacio Matapang na Tao...."
Kung paano namatay si Andres Bonifacio ay hindi masasabing ito'y makatarungan sapagkat sila'y pinapatay ng kapwa Pilipino lamang. Ni hindi kaaya- aya ang kanilang pagkakalibing, parang silang mga hayop na inilibing lang sa ilalim ng lupa. Hindi nararapat ang ganitong libing sa ating bayani. Pero kunbg iniisip nila na sa panahon noon ay masa madaling matatamo ang katarungan ng isang bayani sa ganoong paraang ng paglilibing ay hindi naman msama kung titingnan lang ang positibing kahulugan nito.