Balangiga Massacre

Philippines in 100 Years

isang Bandila

Tuesday, July 29, 2008

famous T'boli people


Gumbay Sulan a very talented T'Boli bamboo zither player recently passed away this August.




Maria Wanan, T'boli Teacher and head of Helobung, the internationally known T'boli cultural troupe.



Former Lake Sebu Mayor Bao Baay, bringing culture to new generations through native education and a T'boli museum.

..mga T'boli..





-:aNg BabaEng T'boLi:-

PISIKAL NA ANYO
  • ang pisikal na anyo ng babaeng t'boli ay sadyang natural at naiiba...
  • sila ay kahawig ng mga MALAYO...[alam mo kung bakit??] kasi wala silang halong Intsik na dugo..
  • maliliiit at kulay brown na mga mata
  • di katulad sa mga Bontoc, matatandang T'boling mga babae ay nanatiling poised and not wind up as bent hags
KABUHAYAN
  • ang kanilang ikinabubuhay ay pangangaso, pangingisda, pangangahoy at pagsasaka
PAGKAIN

  • ang mga kinakain nila: edible leaves, barks, roots,suso, palaka, hito, wild birds, at venison.....
  • ang kanilang diyeta: kamote, gabi, ube, mais at bilanghoy...
  • ang manok at ang kanin ay inihahanda lamang sa mga espesyal na okasyon...
KASUOTAN

  • gawa sa t'nalak na hinabi mula sa abaca fiber
  • ang kanilang mga sing-sing, hikaw, kwintas, bracelet, anklet at girdles ay may halong bronse at brass.
  • ang girdle ay sinusuot lamang ng mga kababaihan na mula sa nakatataas na parte ng lipunan.
  • sinasabing ang mga bells ay palaging sinusuot para akitin ang dugo ng lalaking t'boli sa tuwing nagkakaroon ng mga panahon na magkasama.

Sunday, July 27, 2008

T' boli











Ang mga T'boli, na kilala rin sa tawag na Tiboli o Tagabili, ay kabilang sa mga katutubong tao ng rehiyon ng
SOCCSKSARGEN. Ang kanilang mga tradisyunal na lupain ay matatagpuan sa kabundukan ng mga munisipalidad ng Surallah, Kiamba, Polomolok at T'boli. Kabilang sa mga lupaing ito ang kinaroroonan ng tatlong lawang mahalaga sa mga T'boli: ang mga lawa ng Siloton, Lahit at Sebu, na matatagpuan sa munisipalidad ng Lake Sebu.
Ayon sa dating alkal
de ng munisipalidad ng T'boli na si Dad Tuan, ang salitang "T'boli" ay hango sa "Tau-bili"; "tau" na tumutukoy sa tao, at "bili", na ang ibig sabihin ay "bunga ng ligaw na baging". Mayroon ding nagsasabing tinawag ng mga Kristiyano na "Tagabili" ang pangkat ng mga katutubong ito sapagkat ang mga katutubo ang tagabili ng kanilang mga kalakal. Samantala, ayon naman sa nakalagay sa website ng munisipalidad ng T'Boli, ang pangalan ng pangkat ay hango sa "Tao belil" na ang ibig sabihin ay "taong nakatira sa bundok".
Ayon sa tala ng Pambansang Museo noong Nobyembre 1991, may 68,282 na T'boli sa rehiyon ng SOCCSKSARGEN.

KASAYSAYAN

Ayon sa mga alamat at tradisyon ng mga T'boli, ang kanilang mga ninuno ang mga tanging nakaligtas mula sa isang malaking baha. Dalawang pares ng mag-asawa ang binigyan ng babala ng kanilang diyosang si Dwata kung kaya nakasakay sila sa isang malaking kawayan at hindi nalunod sa baha. Sa unang pares ng mag-asawa nagmula ang mga T'boli at iba pang mga katutubo, o Lumad, ng Mindanao, at ang mga pangkat na nagbagong loob sa Islam tulad ng mga Maguindanao. Samantala, mula naman sa ikalawang pares ang mga pangkat na naging mga Kristiyano.
Ang mga
tarsila ng mga Muslim ay nagsasabing ang mga T'boli at ibang mga Lumad ay dating nanirahan sa mga lambak at kapatagan ng ngayo'y Rehiyon ng SOCCSKSARGEN. Nang dumating ang Islam sa Mindanao noong ika-14 siglo, ayaw ng mga Lumad na magbagong loob sa Islam kung kaya lumipat sila sa kabundukan kung saan mahihirapan ang mga Muslim na habulin sila. Sa galit ng mga Muslim, kanilang sinalakay ang mga Lumad at ginawang alipin ang kanilang madadakip o masasakop. Dahil dito, nagkaroon na ng sigalot sa pagitan ng dalawang pangkat. Bunga nito'y naging mga kontrabida ang mga Muslim sa katutubong panitikan ng mga T'boli.
Dahil sa paglaban ng mga Muslim sa mga Espanyol na mananakop, hindi gaanong napasok ng mga Espanyol ang Mindanao kung kaya hindi narating ng impluwensiya ng dayuhan ang mga T'boli. Panahon na ng mga Amerikano nang unang dumating ang mga pangkat ng mga Kristiyano sa lugar.
Noong 1913, ang
Lambak ng Cotabato ay binuksan ng pamahalaang Amerikano sa mga nais maghanap ng bagong tirahan at maraming mga Kristiyano mula sa Luzon at Visayas ang dumating sa lugar. Pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, noong 1948, bunga ng lumalaking sigalot sa repormang agraryo, binuksan din ng pamahalaan ng Pilipinas ang mga lambak ng Alah at Koronadal sa kung sino mang nais pumasok at manirahan doon. Iyon ang naging daan upang pumasok ang maraming tao sa lugar. Kasama nila ang mga may interes sa pagrarantso, pagmimina at pagtotroso, na nagsimulang pasukin ang katutubong lupain ng mga T'boli. Dahil sa kawalan ng kaalaman sa pagpapatitulo ng lupa, unti-unting napaalis ang mga T'boli sa mga lupaing hawak ng kanilang mga ninuno mula pa noong unang panahon.

KULTURA

Agrikultura


Ang mga T'boli ay mga

kainginero na nagtatanim ng bigas, kamoteng kahoy at ube. Pinuputol nila ang malalaking puno sa kagubatan at sinusunog ang mga maliliit na puno at mga damo, pagkatapos ay tinatamnan ang lupa ng kung ilang taon na walang ginagamit na pataba. Nangangaso din sila at nangingisda para sa karagdagang pagkain. Relihiyon at Paniniwala
Naniniwala ang T'boli sa maraming diyos. Pinakamalakas sa mga diyos na ito ay si
Kadaw La Sambad na diyos ng araw, at si Bulon La Mogoaw na diyosa ng buwan, na magkasamang naninirahan sa ikapitong langit. Ang dalawang ito ay nagkaroon ng pitong anak na lalaki at pitong anak na babae, na nagpakasal sa isa't isa at naging mga diyos din. Ayon sa mga T'boli, ang isang ibong tinatawag na muhen ay diyos ng kapalaran, at ang kanta ng ibong ito ay nagdudulot ng kamalasan. Bukod sa mga diyos na ito, naniniwala din sila na ang lahat ng bagay ay may sariling espiritu na dapat amuin upang magkaroon ng magandang kapalaran. Ayon sa kanila, ang mga busao, o masasamang espiritu, ay maaaring paglaruan ang mga tao at magdulot ng karamdaman o kamalasan.


Sining Pagtatanghal

Mayaman ang kultura ng mga T'boli, at marami silang tinutugtog na instrumentong pangmusika. May i

nstrumentong perkusyon sila kagaya ng

tnonggong o tambol na yari sa balat ng hayop, agong, at klintang. Kabilang sa instrumento nilang hinihipan ay ang sloli o plawta na yari sa kawayan, kubing, at few o maliit na tambuli. Mayroon din silang instrumentong de-kuwerdas tulad ng sludoy at hagalong.
Ang mga T'boli ay may maraming awitin at sayaw para sa iba't ibang okasyon. Kabilang sa mga katutubong sayaw nila ang mga sumusunod:
-Sayaw ng panliligaw
-
Kadal herayon o sayaw pangkasal
-
Tao soyow o sayaw ng naglalaban
-
Kadal temulong lobo o sayaw ng pagwawagi
-
Kadal hegelung o sayaw ng sawi sa pag-ibig
-
Kadal be hegelung o sayaw ng anihan
-
Kadal iwas o sayaw ng matsing
-
Kadal blelah o sayaw ng ibon
-
Kadal tabaw
-
Kadal slung be tonok
-
Kadal tahu
Karaniwang ginagamit ang
malong o tapis bilang bahagi ng mga sayaw na ito. Wika at Panitikan
Ang epikong "
Tud Bulol" ang pinakasentro ng panitikan ng mga T'boli. Kinakanta lamang ang kabuuan nito sa mga mahahalagang okasyon, sapagkat ang pagkanta nito ay maaaring umabot ng 16 oras, at karaniwang ginagawa kapag gabi. Marami ring mga pamahiin, paniniwala, salawikain at sawikain ang mga T'boli, at mayroon din silang mga alamat at kuwentong-bayan tungkol sa kanilang mga diyos at bayani.
Di gaya ng ibang mga pangkat-etniko ng Pilipinas, katutubo sa wika ng mga T'boli ang paggamit ng diptonggo at titik "f". Ito ay kakaiba dahil hindi kasama sa alpabetong
Tagalog ang titik "f" kundi itinuturing na hango sa salita ng mga mananakop na Espanyol.
Mga Salita
Hyu Hlafus - Magandang umaga
Tey Bong Nawa hu Kuy - Salamat


Sining at Gawaing Kamay


Kilala ang mga T'boli sa kanilang hilig sa mga palamuti at makukulay na gawaing kamay. Naniniwala sila na nilikha ng Diyos ang mga lalaki at mga babae para gawing kaakit-akit ang kanilang mga sarili upang sila ay maakit sa isa't isa at magkaanak.

Pansariling Kagandahan
Sa paningin ng mga T'boli, ang mapuputing ngipin ay pangit at nararapat lamang sa mga hayop, kung kaya isinasagawa nila ang tamblang, o ang pagkikil ng ngipin upang maging pantay ang mga ito, pagkatapos ay ang pagpapaitim ng ngipin gamit ang dagta ng balat ng punong kahoy tulad ng silob o olit. Ang iba sa kanila ay ginaya ang gawain ng mga kabilang sa pangkat ng Muslim, na ang mga kilalang tao, tulad ng datu at kanyang mga asawa, ay naglalagay ng ginto sa ngipin bilang pagpapahiwatig na sila ay mayaman.
Nagpapatatu din ang mga T'boli, hindi lamang bilang pagpapaganda sa sarili kundi dahil sa paniniwalang kapag sila ay namatay, magliliwanag ang kanilang mga tatu at iilawan ang kanilang daan patungo sa kabilang mundo. Nagpapatatu ang mga lalaking T'boli sa kanilang mga braso, balikat at dibdib ng mga disenyong bakong (hayop), hakang (tao), blata (halamang pako) o ligo bed (sigsag). Nagpapatatu din ng ganoong disenyo sa kanilang mga binti, braso at dibdib ang mga babaeng T'boli.
Ang isa pa sa kanilang mga paraan ng pagpapalamuti sa katawan ay ang paglikha ng pilat sa pamamagitan ng paglapat ng nagbabagang uling sa balat. Para sa mga T'boli, ang lalaking mas maraming pilat ay mas matapang.

Mga Palamuti

Mula sa kanilang kamusmusan, natuto na ang mga babaeng T'boli na pagandahin ang kanilang mga sarili. Gumagamit sila ng mga pampaganda at inaayos nila ang kanilang buhok, na pinapalamutian nila ng mga paynetang may mga palawit na makulay na abaloryo. Para sa kanila, mas mainam ang marami pagdating sa mga palamuti, kung kaya hindi lamang isa sa bawat uri ng palamuti ang isinusuot nila ngunit pinagsasabay nila ang lahat ng kaya nilang isuot.
Kabilang sa mga palamuti ng mga babaeng T'boli sa kanilang mga sarili ay ang:
-Payneta
-
Suwat blakang - gawa sa kawayan
-
Suwat tembuku - may palamuting salamin
-
Suwat lmimot - may palamuting abaloryo
-
Suwat hanafak - gawa sa tanso
-Hikaw
-
Kawat - gawa sa tanso at hinugis na parang singsing
-
Bketot - salamin na hugis bilog at pinalibutan ng makulay na abaloryo
-
Nomong - mahahabang hikaw na gawa sa mga abaloryo at kadenang tanso
-
Bkoku - gawa sa kabibe na hugis tatsulok
-
Kowol o Beklaw - kumbinasyong hikaw at kuwintas
-Kuwintas
-
Hekef - maiksing kuwintas na gawa sa pula, puti, dilaw at itim na abaloryo
-
Lmimot - kuwintas na may maraming panali, gawa sa pula, puti at itim na abaloryo na -magkaiba ang sukat
-
Lieg - gawa sa tanso na may kasamang abaloryo at maliliit na kuliling
-Sinturon
-
Hilot - gawa sa tanso, ito ay may lapad na 5 hanggang 7 sentimetro at may -karagdagang 10 sentimetrong mga maliliit na kadena na nakakabit sa ilalim na gilid nito. Ang bawat maliit na kadena ay may kuliling sa dulo. Ang isang hilot ay maaaring magkaroon ng bigat ng 2 hanggang 3 kilo.
-
Hilot lmimot - kamukha ito ng ordinaryong hilot ngunit gawa ito sa makulay na abaloryo imbes na tanso kung kaya't mas magaan ito. May mga kuliling pa rin sa dulo ng bawat palawit na abaloryo.
Pulseras
-
Blonso - may kapal na 6 sentimetro at laki ng 8 millimetro, ito ay karaniwang isinusuot ng maluwang at may 15 hanggang 20 sa isang braso.
-
Kala - mas makapal sa blonso, isinusuot ito ng masikip at karaniwang 5 sa isang braso.
-Anklet
-
Tugul - may sukat ng 5 sentimetro, itim at malapad ito at isinusuot ng masikip sa binti
-
Singkil linti - may laki ng 10 sentimetro at kapal ng 6 hanggang 10 millimetro, may disenyong heometriko at isinusuot ng maluwang
-
Singkil babat - katulad ng singkil linti ngunit mas kumplikado ang disenyo, isinusuot ng maluwang
-
Singkil slugging - may kapal ng 15 millimetro, may laman na maliliit na bato na lumilikha ng tunog kapag gumagalaw ang may suot, maluwang ang pagkakasuot
-Singsing
-
Tsing - isinisuot nang tiglilima sa bawat daliri ng kamay at paa, karaniwang salitan na singsing na gawa sa tanso at singsing na gawa sa sungay ng kalabaw. Maaaring simple ang mga singsing na ito o magkaroon ng disenyo o dekorasyon.


Katutubong Kasuotan


Ang mga T'boli ay may iba't ibang kasuotan para sa iba't ibang okasyon. Sinusuot nila ang mga simpleng anyo ng kanilang katutubong damit kapag ordinaryong araw, at magagarang damit kapag may natatanging okasyon.
Damit Pambabae Ang kadalasang isinusuot ng mga babaeng T'boli kapag nagtatrabaho sa bukid ay ang mga sumusunod:

-Kgal taha suong - simpleng itim o bughaw na blusa na may mahahabang manggas at walang kuwelyo. Hapit ito sa katawan at hanggang baywang ang haba.
-
Luwek - paldang hanggang bukong-bukong ang haba, hugis tubo katulad ng malong ng mga Muslim
-
Slaong kinibang - bilugang salakot na gawa sa kawayan, 50 sentimetro ang lapad. Ito ay natatabunan ng telang kulay pula, itim o puti, na kadalasan ay may disenyong heometriko. Mayroon din itong sapin na pulang tela sa loob, na nakalaylay sa likod at balikat ng nagsusuot upang hindi ito tamaan ng init ng araw. Bawat isa sa mga salakot na ito ay may orihinal na disenyong palamuti at walang dalawang magkatulad.

Pang-araw-araw na kasuotan naman nila ang mga sumusunod:
-Kgal bengkas - blusang mahaba ang manggas at bukas ang harapan. Ito ay kadalasang may palamuting kulay pula na naka-ekis sa likod at nakapalibot sa manggas.
-
Kgal nisif - blusang may mas magarang palamuti. Ito ay kadalasang may burda na disenyong tao o hayop, o di kaya'y disenyong heometriko o sigsag na kulay pula, puti o dilaw.
-
Fan de - paldang kulay pula o itim, kadalasang binibili mula sa mga taga-lambak o kapatagan.
Ito naman ang mga isinusuot nila para sa mga natatanging okasyon:
-
Kgal binsiwit - blusang may maraming burda at may palamuting kabibe, kadalasang isinusuot tuwing may kasalan
-
Tredyung - paldang itim na may makikitid na guhit, gawa sa lino. Itineterno ito sa kgal binsiwit.
-
Bangat slaong - isang uri ng slaong kinibang na isinusuot kapag may natatanging okasyon. Mayroon itong dalawang malalapad na palawit na gawa sa dinisenyong mga abaloryo, at may tassel sa dulo na gawa sa buhok ng kabayo.
Damit Panlalaki Ang mga lalaking T'boli ay kadalasang nagsusuot ng simpleng kamiseta at pantalon kapag ordinaryong araw, tulad ng karamihan sa mga Filipino. Nagsusuot lamang sila ng katutubong damit kapag may natatanging okasyon.
-
Kgal saro - dyaket na gawa sa abaka. Ito ay may mahahabang manggas at hapit sa katawan.
-
Sawal taho - pantalon na hanggang tuhod o hanggang bukong-bukong ang haba, at ang bahaging nasa baywang ay abot hanggang balikat ng nagsusuot. Tinatalian ito ng sinturong abaka sa baywang, pagkatapos ay hinahayaan ang bahaging nasa itaas na lumaylay na parang palda na nakatabon sa balakang at hita.
-
Olew - simpleng turban o putong sa ulo
-
Slaong naf - hugis-apa ngunit malapad na sombrero na may kulay itim at puting disenyong heometriko. Ito ay gawa sa nilala na maninipis na piraso ng kawayan, at mayroong bilog na palamuting gawa sa tanso o salamin sa tungki. Nilalang yantok naman ang sapin nito sa loob.
-
Slaong fenundo - hindi kasing lapad ng slaong naf, ito ay gawa sa materyales na kulay dayami na itinahi ng itim na sinulid.
-
Hilot - sinturon kung saan nakasabit ang kafilan o espada ng lalaking T'boli
-
Angkul - malapad na sinturon na gawa sa makapal na tela, sinusuot ng datu bilang tanda ng kanyang kapangyarihan

Gawaing Kamay


Mga Produktong Yari sa Metal:
-
Sudeng - mga espada
-
Lanti - espada na ang hawakan ay yari sa tanso at may disenyong heometriko; may palawit itong maninipis na kadena na may tnoyong o kuliling sa dulo
-
Tedeng - simpleng espada na walang palamuti
-
Kafilan - espada na kahawig ng itak
-
Tok - espesyal na espada na may magagarang palamuti, ginagamit sa mga ritwal. Ang talim nito ay may haba ng 60 hanggang 70 sentimetro at may nakaukit na disenyong heometriko. May magagarang palamuti ang hawakan nito na may palawit na maninipis na kadenang may kuliling sa dulo. Ang lalagyan nito ay gawa sa itim na kahoy na pinagbigkis ng tatlo o apat na piraso ng metal, at may nakaukit na heometrikong disenyo.
-
Kabaho - mga kutsilyo o patalim na may magagarang palamuti tulad ng tok. Ito ay may maraming anyo at sukat.
-Piguring tanso - mga pigurin na mula 7.5 hanggang 10 sentimetro ang taas, gawa sa tanso. Inilalarawan ng mga ito ang mga T'boli sa kanilang pang-araw-araw na pamumuhay. Gawa ang mga ito gamit ang cire perdue na pamamaraan.
-Mga pulseras at kadenang tanso na ginagamit bilang palamuti ng mga babaeng T'boli.
-
Tnoyong o kuliling, na karaniwang ikinakabit o ginagawang palawit sa iba pang mga produkto ng gawaing kamay ng T'boli.

Paghahabi

T'nalak o tinalak - ang pinakakilalang produkto ng mga T'boli. Ito ang kanilang sagradong tela na gawa sa hinabing abaka. Ayon sa mga tradisyon at alamat ng mga T'boli, ang paghahabi ng telang ito ay itinuro sa kanilang mga ninuno ng kanilang diyosang si Fu Dalu at magmula noon, nalalaman ng mga babaeng T'boli kung ano ang gagawing disenyo ng ihahabing t'nalak sa pamamagitan ng kanilang mga panaginip. Bunga nito, naging tanyag sa labas ng bansa ang t'nalak, na tinawag ng ilang dayuhan na "dreamweave" o telang habi sa panaginip, at ang mga babaeng T'boli naman ay binansagang "dreamweavers" o mga naghahabi sa panaginip. Ang mga produktong t'nalak ang naging pangunahing produktong pinagkakilanlan ng lalawigan ng Timog Cotabato. Si Lang Dulay, isang manghahabing T'boli, ay ginawaran ng Gawad sa Manlilikha ng Bayan ng National Commission for Culture and the Arts bilang pagkilala sa kanyang papel bilang katutubong alagad ng sining na nangalaga at luminang sa pambansang pamana ng lahi.


Sanggunian:

http://fil.wikipilipinas.org/index.php?title=T